Saturday, October 07, 2006

Simula。

Ang BLOG ng isang simple at ordinaryong nilalang sa ibabaw ng mundo. Wala namang interesanteng mga pangyayari ang nagaganap sa kanyang buhay, bawat araw yun at yun lang ang nangyayari. Minsan lang may biglang mababago at kakaiba, mga karanasan na magiging parte ng kanyang buhay. Ginawa ang blog na ito dahil sa hindi inaasahang pangyayari na naganap... nag-resulta ito ng pagiging makakalimutin ng kanyang utak at na-pagtanto na sa pamamagitan nito ay ma-itatala niya ang mga kaganapan na ayaw niyang malimutan. 'Sinabi din ng mga eksperto sa larangan ng Sikolohiya na makakatulong ang pagsusulat upang maipahiwatig ang nasa-saloob ng isang tao.' Hindi niya alam kung tama nga sila, subalit sa tingin niya makakabuti ito sa kanyang buhay. At dahil din sa wala lang siyang magawa sa kanyang mga oras na i-nilalagi sa mundong ibabaw, kung 'di magsimula ng panibagong mapaglilibangan. Dahil natuwa siya sa paraang ito, kung ano-anong mga bagay ang makikita sa blog na ito.
^_^


No comments:

Post a Comment